Wala pang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na italaga sa panibagong pwesto sa gobyerno si dating Environment Secretary Gina Lopez.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala pa siyang naiisip na pwesto para kay Lopez pero naghahanap siya ng babaeng madaldal sa hindi pa mabatid na pwesto sa tanggapan ng gobyerno.
Una ng inihayag ng Pangulo na nanghihinayang siyang hindi nakalusot ang confirmation ni Lopez sa Commission on Appointments (CA) kahit pa nakikita naman ang dedikasyon nito sa trabaho.
Gayunman, kailangan anyang irespeto ang proseso at desisyon ng komisyon dahil hindi naman niya kontrolado ang lahat sa pamahalaan.
By Drew Nacino | With Report from Aileen Taliping