Mariing itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong balak paalisin ang dalawang barko ng Pilipinas na nagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Ito ang tahasang sinabi ng pangulo sa kabila ng pagtanaw ng bansa ng utang na loob sa China dahil sa mga ibinigay nitong COVID-19 vaccines.
Dagdag pa ng pangulo, na hindi nito kailanman paaatrasin ang pwersa ng pamahalaan sa Pag-Asa Island at Mischief Reef kahit patayin pa siya ng kalabang pwersa at ito rin ang maging dahilan ng pagtatapos ng kanilang pagkakaibigan.
Mababatid na pinalakas ng pamahalaan ang presensya nito sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na siya namang nagsasagawa ng pagpapatrolyo.