Naniniwala ang Malakaniyang na kayang pangatawanan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga sinasabi at ginagawa
Ito ang reaksyon ng Palasyo sa harap na rin ng mga payo ng mga kaalyado ng pangulo na maghinay-hinay ito sa mga binibitiwang banat lalo na sa mga kritiko
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang dapat baguhin ang Pangulong Duterte sa paraan ng kaniyang pananalita at gawi sa harap ng publiko
Una nang inihayag ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI ang kanilang suporta sa pananalita ng Pangulo na nagpapakita lamang anila ng tunay nitong pagkatao
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping