Walang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na mamili kung sino ang hahalili sa kanya kapag nagbitiw siya sa puwesto.
Ito ang binigyang diin ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kasunod ng naging pahayag ng Pangulo na mag-reresign ito sa oras na manalo si dating Senador Bongbong Marcos sa electoral protest nito laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Sereno, malinaw na itinatalaga ng Konstitusyon na ang Pangalawang Pangulo ang siyang papalit sa Pangulo sakaling bumababa ito sa puwesto.
Kaugnay nito, hinikayat ni Sereno ang Pangulo na ipreserba at idepensa ang Konstitusyon sa halip na i-engganyo ang paglabag dito.
—-