Walang nakikitang malaking pagkukulang si Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III na itinuturong dahilan ng pagkabulilyaso ng pagkuha ng bansa ng COVID-19 vaccine sa Enero.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa tingin niya ay walang nakikitang major lapse ang pangulo dahil ang pinag-uusapan ay kontrata at hindi naman abogado si Duque.
Dagdag pa ni Roque, wala rin namang danyos na nangyari dahil patuloy pa rin ang pagkuha ng pilipinas ng Pfizer vaccine.
Inaasahan umano ang pagdating ng Pfizer vaccine sa ikalawa o ikatlong bahagi ng 2021 habang posibleng mauna aniya ang pagkuha ng bansa bakuna ng china na Sinovac.