Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na bumiyahe sa Amerika.
Ito ang tugon ng palasyo sa pahayag ni U.S. Congressman Jim Mcgovern na pangunguhanan niya ang kilos protesta sakaling magtungo sa White House si Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, abala ang Pangulo at marami itong inaasikaso lalo na ang problema sa ISIS-Maute Terror Group.
Wala naman anyang ibinigay na dahilan ang punong ehekutibo kung bakit wala silang planong pumunta sa Estados unidos Sa kabila ng imbitasyon sa kanya ni U.S. President Donald Trump.
Si Mcgovern ang mambabatas ng Amerika na nag-iimbestiga sa human rights violations umano sa Pilipinas at nagsabing mayroong nagaganap na human rights calamity dahil sa anti-drug campaign ng gobyerno.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
Pangulong Duterte walang planong bumiyahe sa Amerika was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882