Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na pagbakasyunin si Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng ikinakasang imbestigasyon ng Senado sa di umano’y isyu ng korupsiyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hahayaan ng pangulo na gumulong ang imbestigasyon kay Duque.
Ngunit aniya habang wala pa itong resulta ay binibigyan ito ng presumption of innocence batay na rin sa sinasabi ng batas.
Una nang sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na paiimbestigahan nito ang alegasyon ni Senador Panfilo Lacson na sangkot ang ilang kaanak ni Duque sa ilang proyekto ng DOH.