Walang plano ang Pangulong Rodrigo Duterte na patulan ang pag-iingay ni Senador Leila de Lima sa isyu ng umano’y extra judicial killings kaugnay sa pinalakas na kampanya laban sa illegal na droga.
Sa harap na rin ito ng ginawang privilege speech ni De Lima na nasentro sa serye ng patayan dahil sa illegal drugs at sa kagustuhan nitong imbestigahan ang mga insidente.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang komento ang pangulo laban kay De Lima, sa kabila ng banat sa kanya ng senadora.
Binigyang-diin ni Abella na tungkulin ng lehislatura na gampanan ang kanilang mandato at bukas ang palasyo sa plano ng senado na mag-imbestiga sa naturang usapin.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 23) Aileen Taliping