Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tiniyak na may sapat na pondo para sa tatlong buwang ayuda sa mga apektado ng pag-a-alburoto ng Bulkang Mayon
Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sapat ang pondo ng gobyerno sa pagtugon ng pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Bicol Region.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakahanda ang pamahalaan sakaling kulangin ang suplay ng pagkain at iba pang kailangan ng mga residenteng lumikas sa mga evacuation center.
Tiwala si PBBM na magagamit ng tama at pinag-aralang mabuti ang paggastos sa pondong inilaan para sa mga evacuees.
Nanawagan din ang pangulo sa mga ahensya ng gobyerno na tukuyin kung sinu-sino ang mga nangangailangan at anu-ano ang kailangang ibigay sa mga apektado ng patuloy na abnormal na aktibidad ng Bulkang Mayon.