Hindi pa handang ikompromiso ng Pangulong Rodrigo Duterte ang quarantine period para sa mga nagbabalik-bayang Overseas Filipino Workers (OFW) matapos mapakinggan ang mga rekomendasyon ng mga eksperto.
There is no compromise here, hindi ako magko-compromise, just an off the cuff statement before I, we make the final decision. I’m not ready for a compromise, lalo na ngayon (especially now), pahayag ng Pangulo.
Ito ang pahayag ng Pangulo ngayong Miyerkules sa kanyang ulat sa bayan kasunod ng panawagan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na kung maaari ay ibalik na sa orihinal na protocol na isasailalim agad sa swab test ang mga OFW bago i-quarantine.
Kaya nga po kami nakikiusap sana, Mr. President, na kung maaari, we go back to the original protocol, na pagdating ng ating OFWs, swab agad sila, then they are quarantined for 5 days, while waiting for the result of the PCR test,” pahayag ni Sec. Bello III.
Samantala, hindi pa naman pinal ang desisyong ito ng Pangulo para sa returning OFWs.—sa panulat ni Agustina Nolasco