Pitong kasunduan ang nilagdaan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Prime Minister Fumio Kishida.
Sa kanilang pagpupulong, nagpahayag ng kanyang suporta si Kishida sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa at sa pag-abot ng Pilipinas sa mas mataas na income status pagdating ng 2025.
Maliban dito, nagkaroon din ng joint statement ang dalawang lider kung saan iginiit nila ang pagpapaigting ng relasyon at pagtutulungan ng magkabilang panig sa iba’t ibang larangan.
Ayon naman kay Kishida, suportado ng Japan ang layunin ng bansa na makamit ang estado na Upper Middle Income Country o UMIC.
Nagkasundo rin sina Pangulong Marcos at Kishida na palawigin pa ang kooperasyon nila sa mga sektor ng imprastraktura, agrikultura, at seguridad.