Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. na wala pa siyang desisyon kung isususpinde ba o hindi ang pagtataas sa kontribusyon ng mga miyembro ng philhealth.
Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na kailangan niyang malaman ang mga nakalatag na bagong alok na serbisyo sa gitna ng dagdag-bayad sa kontribusyon.
Nabatid na nais ng pangulo na maipakita ang mga dagdag na coverages na maibibigay sa mga miyembro sa harap ng apat hanggang limang porsiyento na dagdag-bayad sa health insurance.
Binigyang diin ni PBBM na mahirap kung tutuusin ang pag-quantify sa usapin sa kalusugan, lalo na sa halaga na dapat isaalang-alang para sa isang indibidwal.
Matatandaang ipinag-utos ng pangulo ang pagpapatigil sa dagdag-kontribusyon noong isang taon sa harap ng mga hamon, kabilang ang pandemya.