Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mataas na rating na nakuha niya sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa Pangulo, ang kanyang natanggap na “very good” satisfaction rating mula sa mga Pilipino sa survey ay magsisilbing inspirasyon niya para mas pagbutihin pa ang pagganap sa kanyang tungkulin.
Maguginitang lumabas sa survey ng SWS na 75% ng adult Filipinos ay satisfied sa performance ng presidente habang 7% lamang ang nagsabi na hindi sila kuntento at 18% naman ang undecided.
Sinabi ng Presidente na bagama’t hindi siya tumitingin sa mga ganitong survey ay nakatutuwa aniyang mabatid na nakikita, nararamdaman at nauunawaan ng mga Pinoy ang mga ginagawa ng gobyerno.