Kumpyansa si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mababago ni Vice President Sara Duterte ang sistema ng edukasyon para maihanda ang mga mag-aaral sa mas maayos na trabaho.
Ani Marcos Jr., “there is hope for comeback” sa education system dahil alam niyang akma kay Vice President at incoming education secretary Sara Duterte ang misyong ito.
Sinabi pa ng bagong pangulo na dapat magkaroon ng improvement sa ginagamit na education materials ng mga guro.