Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Washington, D.C. mula sa April 30 hanggang May 4, 2023.
Nabatid na sa pagsisimula ng itinerary ng Pangulo sa US sa May 1, magkakaroon ito ng pulong kay U.S. President Joe Biden na susundan ng expanded meeting ng ilang Cabinet officials.
Pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil na sa pagbisita ng Presidente sa Amerika, inaasahang mas mapapaigting pa ang pagkakaibigan at bilateral relationship ng dalawang bansa.
Bukod dito, inaasahan ding mas lalalim ang political ties at mas mapagbubuti ang defense at security cooperation.
Sinasabing sa pagbisita din ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos, inaasahang mas mapapalakas ang ugnayan ng dalawang bansa sa mga usaping may kinalaman sa agrikultura, enerhiya, climate change, digital transformation and technology, humanitarian assistance and disaster relief, supply chains, at imprastraktura.
“The trip will highlight the steadfast commitment by both sides to be reliable and resilient allies and partners in times of crisis and prosperity, amid a challenging global and regional environment,” pahayag pa ni Garafil.
Ang US ay matagal nang pangunahing bilateral trade at official development assistance partner ng Pilipinas.