Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pilipinong atleta nagwagi sa 11th ASEAN Para Games na ginanap sa indonesia.
Ayon sa punong ehekutibo, ang ipinakitang katatagan at dedikasyon ng mga atleta ay isang magandang ehemplo sa mga kabataang nais pasukin ang Philippine Sports.
Hindi rin aniya naging hadlang ang kapansanan ng pinoy para-athletes upang makamit ng mga ito ang tagumpay.
Mababatid na nakapag-uwi ang philippine team ng 28 gold, 31 silver, at 47 bronze medals, kung saan nakamit ng Pilipinas ang ika-limang pwesto sa naturang torneo.