Nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipinong Katoliko sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong araw, Enero 9.
Habang ipinamamalas aniya ng mga mananampalataya ang kanilang debosyon sa Poong Nazareno, dapat alalahanin ang malalim na ugat ng ating kultura sa paggapi ng mga matitinding pagsubok at kapighatian.
Hangad din ni Pangulong Marcos ang ligtas, makabuluhan, at taimtim na pagdiriwang ng mga deboto ng Feast of the Black Nazarene.