Dadalo si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok Thailand, ngayong araw.
Ito ang unang pagkakataon na gagawing in-person ang leaders meeting ng APEC economies mula nang magkaroon ng pandemya.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, kabilang sa bubuksang issue ni Pangulong Marcos ang food security, energy security at climate change mitigation.
Makakasama naman ng panguloang iba pang world leader at heads of state ng APEC. —sa panulat ni Jenn Patrolla