Pinayuhan ni Chief Presidential Legal Counsel, Secretary Juan Ponce Enrile si Pangulong Bongbong Marcos na pag-aralang mabuti ang planong pagtatatag ng Maharlika Wealth Fund (MWF).
Ito, ayon kay Enrile, ay upang hindi mapagbuntunan ng sisi ang Pangulo at hindi mapagsamantalahan sakaling magkaroon ng problema lalo’t pondo ang pinag-uusapan.
Ang Punong Ehekutibo anya ang lalagda sa batas sakaling makalusot ito sa Kongreso kaya mahalagang maging maingat upang hindi masisi kapag nagka-aberya.
Idinagdag pa ni Enrile na kailangan ding magkaroon ng safeguards sa MWF papanagutin ang mga opisyal na hahawak at mangangasiwa sa pondo kung sumablay at hindi naging maayos ang pagpapatakbo nito.
Hindi naman anya nakatitiyak kung magiging maayos magpatakbo sa pondo ang mga susunod na hahawak Sovereign Wealth Fund dahil maaaring matapat ito sa mga taong nakatutok lamang sa pang-sariling interes.
Nilinaw naman ni Manong Johnny na hindi siya kontra sa plano subalit tanging hangad niya ay makatiyak na hindi makokompromiso si Pangulong Marcos sakaling magkaroon ng problema.