Nakatakdang umalis patungong Europa ngayong araw si Pangulong Noynoy Aquino para sa kanyang 3 araw na state visit.
Unang magtutungo si Pangulong Aquino sa Paris, France upang dumalo sa 21st Conference of Parties o COP 21 para sa United Nations Framework Convention on Climate Change na magsisimula bukas.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, ilalahad ng punong ehekutibo sa COP ang mga hakbang at programa ng Pilipinas sa pagharap at pagtugon sa climate change kabilang ang commitment ng bansa na magbawas ng carbon emission pagdating ng taong 2030.
Magkakaroon din anya ng keynote remarks si Pangulong Aquino sa climate vulnerable forum sa COP 21 at dadalo sa ilang business meetings sa Paris.
Mula pransya ay bibiyahe ang pangulo sa Rome, Italy upang makipag-pulong kay Italian President Sergio Mattarella at Pope Francis sa Vatican City.
By: Drew Nacino