Umaasa si Pangulong Noynoy Aquino ng isang mapayapa at maligayang Pasko na naka-sentro sa pamilya ang maranasan ng mga Filipino ngayong taon.
Ito’y sa kabila ng mga pinaka-mabigat na hamong kinaharap ng administrasyon sa mga nakalipas na taon.
Sa taunang bulong pulungan media forum sa Pasay City, aminado si Pangulong Aquino na umaasa rin siya na wala ng mga emergency na kahaharapin ang bansa ngayong Christmas season.
Inihayag din ng punong ehekutibo na ang tunay niyang layunin ay pagsilbihan ang mga mamamayan lalo ngayong mag-papasko kung saan mahalaga ang pagkakaisa ng pamilya at oportunidad na makasama ang bawat isa.
Importanten anyang panahon ang pasko para sa mga pamilyang pinoy upang magkasama-sama at i-alay ang okasyon sa panginoon.
Dagdag ng pangulo, sa kabila ng mga paghihirap ay nakababagon muli ang mga Filipino sa lahat ng mga hamon na maaaring harapin sa mga susunod pang taon.
By: Drew Nacino