Maaari pa ring maharap sa mga kaso si Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa Disbursement Acceleration Program.
Ito, ayon kay Senate Committee on Justice and Human Rights Koko Pimentel ay sa oras na magtapos ang termino ng Pangulo sa susunod na taon.
Bagaman hindi anya isinama si Pangulong Aquino sa preliminary investigation ng Ombudsman, maaari pa rin namang palawigin ng anti-graft investigating body ang pagbusisi nito depende sa testimonya o affidavit ni Budget Secretary Florencio Abad.
Ang bulto anya ng ebidensya ay nakadepende rin sa mga dokumento sa ipinatupad na DAP.
By: Drew Nacino