Ipinagmalaki ni Pangulong Noynoy Aquino sa isa sa kanyang exit interviews sa Malacañang na siya ang unang timon ng pagbabago o agent of change.
Sinabi ng Pangulong Aquino na nais niyang maalala siya ng mga Pilipino bilang partner nila sa pagbabago.
Bahagi aniya ng kanyang iiwanang pamana sa sambayanan ay ang kakayahan ng gobyerno na harapin ang mga tatamang kalamidad sa bansa.
Idinagdag pa ng Pangulo na naging mabunga ang kampanya kontra katiwalian kung saan maraming mga malalaking isdang naipakulong sa ilalim ng kanyang administrasyon, kabilang na rito si dating Pangulong Gloria Macagapal Arroyo.
Kaugnay dito, Muling nakipagkita si Pangulong Noynoy aquino sa grupo ng mga negosyante sa pagdalo sa ika-15 Taong Chinese-Filipino Friendship day sa PICC, Pasay City.
ang nasabing pagtitipon na ginanap ay taunang ipinagdiriwang ng Federation OF Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc.
Kasamang dumalo ng Pangulo ang ilang miyembro ng kanyang gabinete, kasama si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.
Magugunitang sa unang pagdalo ng Pangulo dalawang taon na ang nakalilipas ay pinagsabihan niya ang mga miyembro ng FFCCCII na magbayad ng tamang buwis at noong nakalipas na taon ay hindi nakadalo ang punong ehekutibo dahil sa kainitan ng territorial dispute sa West Philippine sea
By: Meaan Tanbio