No show si Pangulong Noynoy Aquino sa 2nd Metrowide Earthquake Drill.
Pero, ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, minonitor naman ng Pangulong Aquino ang nasabing aktibidad.
Sinabi ni Coloma na kung matatandaan, sa isinagawang Earthquake Drill noong nakaraang taon ay nakatatanggap ng update ang Presidente mula sa NDRRMC habang ito ay nasa Bahay Pangarap.
Maging si Coloma ay No-show sa Earthquake Drill dahil kasalukuyan itong nasa Baguio para pangunahan ang management conference ng Philippine Infromation Agency o PIA.
Bago ito, naglabas ng memorandum si Coloma noong June 20 kung saan inaatasan ang lahat ng empleyado ng Presidential Communications Operations Office o PCOO na lumahok sa shake drill.
By: Meann Tanbio