Pinarangalan at pinasalamatan ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga miyembro ng kanyang Gabinete sa isang simpleng pagtitipong sa Malacañang.
Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang naging sakripisyo ng kanyang mga Gabinete nang imbitahan sila sa gobyerno at isinantabi ang mas maaliwalas at mas marangyang buhay at trabaho sa pribadong sektor.
Ang iba, aniya, inilagay sa peligro ang buhay hindi lang minsan kundi sa ilang mga pagkakataon dahil sa pagtugon sa mga nagdaang kalamidad sa bansa at mailagay sa kaayusan ang mga mamamayang biktima ng kalamidad.
Sinabi ng Pangulo, hindi niya magagawang mag-isa na mapangasiwaan ang bansa kundi na rin sa tulong ng kanyang mga gabinete.
Kabilang sa mga iginawad na parangal ng Pangulo ay ang Order of Lakandula at Presidential Medal of Merit para sa mga nagbigay ng Outstanding Service sa Presidente.
Ang mga tumanggap ng awards ay sina DOH Secretary Janet Garin, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Labor Secretary Rosalinda Baldoz, DPWH Secretary Rogelio Singson, DepEd Secretary Armin Luistro, DFA Secretary Jose Rene Almendras, DSWD Secretary Dinky Soliman, DILG Secretary Mel Senen Sarmiento, Tourism Secretary Ramon Jimenez, DOST Secretary Mario Montejo, National Security Council Cesar Garcia, dating TESDA Secretary General at ngayon ay Senador Joel Villanueva at mga pinuno ng ilang Government Owned and Controlled Corporation.
By: Avee Devierte
Photo courtesy: Malacañang Photo Bureau