Balik-bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang apat na araw na official visit sa mga bansang Myanmar at Thailand.
Dakong alas 2:30 kaninang madaling araw nang lumapag ang PR-001 na sinasakyan ng Pangulo sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.
Sa kanyang arrival speech, ipinagmalaki ng Pangulo ang 300,000 dolyar na ibinigay ng Pilipinas bilang tulong sa Rohingya crisis doon.
Pakinggan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
Pinagtibay din ng Pilipinas at Thailand ang tatlong kasunduan sa aspeto ng defense, tourism, agriculture at science and technology.
Pakinggan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
Kasunod nito, nanawagan si Pangulong Duterte sa mga Pilipino na suportahan ang chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN Summit upang maramdaman ng mga mahihirap.
Pakinggan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
By Jaymark Dagala