Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residenteng apektado ng nag-a-alburotong Bulkang Mayon, sa Albay, kahapon.
Sa press kanyang press briefing sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City, Albay, inihayag ni Pangulong Duterte na maglalaan ang gobyerno ng 70 Million Pesos para sa pangangailangan ng tinatayang 84,000 kataong apektado.
Bahagi ng pondo o dalawampung milyong Piso ay mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office na agad ibinigay ni P.C.S.O. Board Member Sandra Cam sa Pangulo na nagbiro pang hinahanap ito ni PCSO General-Manager Alexander Balutan.
Samantala, tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga residente ang tulong ng gobyerno sa mga residente.