Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatanggalin ang martial law sa Mindanao hangga’t hindi namamatay ang pinaka-huling terorista.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa gitna ng pagtugis ng militar sa nalalabing miyembro ng ISIS-Maute sa Marawi City, Lanao del Sur.
Magugunitang idineklara ng punong ehekutibo ang liberasyon ng Marawi sa kamay ng mga terorista, noong Martes matapos mapatay ng militar ang dalawang ISIS-Maute leader na Sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.