Hindi natinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga batikos na ibinabato laban sa war on drugs ng gobyerno.
Sa kanyang talumpati sa Anti-Corruption Summit 2017 sa Pasay City, binigyang diin ni Pangulong Duterte na sadyang naka-tadhana ang kamatayan partikular sa mga gumagawa ng masama.
Ayon sa Punong Ehekutibo, hindi pa siya nagiging Pangulo ay noon pa naman niya ibinabala na magiging madugo ang kampanya kontra iligal na droga kaya’t hindi na dapat magulat ang mga kritiko.
—-