Hindi natitinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinasabing destabilization plot laban sa kanyang administrasyon.
Hinamon pa ni Pangulong Duterte ang mga tinaguriang “dilawan” at “pulahan” na magsanib puwersa at magtatag ng isang partido lalo’t magkatulad ang mga ideyolohiya ng mga ito.
Sa kabila nito, aminado ang Pangulo na mas nais niyang manahimik na lamang sa mga batikos dahil sa ngayon ay nakatutok siya sa terorismo at pagsugpo sa New Peoples’ Army.
Nilinaw naman ng punong ehekutibo na hindi naman niya binabantaan ang Liberal Party maging ang mga rebeldeng komunista.