Hindi pa handang pakawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa serbisyo si Philippine National Police Chief Director General Ronald “bato” Dela Rosa.
Ayon kay Pangulong Duterte may kailangan pa siyang ipagawa kay Dela Rosa kaya ito tatagal pa ng dalawa hanggang tatlong buwan sa serbisyo sa kabila ng nakatakda sana nitong pagreretiro sa serbisyo sa Enero 2018.
Kapag natapos aniya ang ipinapagawa nito bilang PNP Chief ay saka siya magsisimulang manungkulan bilang chief ng Bureau of Corrections.
Ipinauubaya naman ni Pangulong Duterte sa senior officers Placement and Promotion Board ang pagpili ng susunod na magiging hepe ng PNP.