Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kristiyanong mananampalataya na maging mapagkumbaba at mapagpatawad.
Ito ang mensahe ng pangulo bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng linggo ng pagkabuhay.
Ayon kay Pangulong Duterte, ito ang panahon para pasalamatan ang panginoon sa pagbibigay sa sanlibutan ng kanyang bugtong na anak gayundin ang pagbibigay papuri kay Hesukristo sa kanyang naging pagsasakripisyo.
Kasabay nito, hinimok din ng pangulo ang lahat na tumulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan at sabay-sabay na manalangin para sa kapakanan, kaligtasan ng lahat at kapayapaan ng bansa.