Hinikayat ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na ng regular na Secretary ng Department of Social Welfare and Development sa halip na officer-in-charge lamang.
Ayon kay Salo, limitado lamang ang kapangyarihan ni DSWD O-I-C Emmanuel Leyco mula ng magbitiw si Secretary Judy Taguiwalo.
Mayroon anyang 141.8 billion pesos na budget ang kagawaran subalit hindi ito lahat naibuhos sa social services dahil hindi regular ang posisyon ni Leyco.
Ipinaliwanag ng kongresista na kung regular ang posisyon ni Leyco ay may kapangyarihan ito sa pondo ng kagawaran.
(With report from Jill Resontoc)