Mariing iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi umano kontrolado ni Senator Christopher “Bong” Go ang kaniyang desisyon.
Kasunod ito ng naging alegasyon ni retired Lt. Gen. Antonio Parlade na kontrolado ni Sen. Bong Go ang mga desisyon ng pangulo para sa bansa.
Ayon kay Duterte, bilang Chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, kailangan nya si Go sa kanyang lingguhang meeting sa ilang miyembro ng kanyang gabinete.
Dagdag pa ng pangulo, ginagawa lamang ni Go ang kaniyang trabaho at serbisyo sa bansa.
Samantala, ayon naman kay Go maging kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, walang basehan ang mga paratang ng dating heneral na agad kumambiyo at sinabing hindi niya binabatikos si Go.
Si Parlade ay isang opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, kung saan naging kontrobersiyal sya sa umano’y red tagging.