Isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaisa ng bawat mga bansa upang makamit ang kapayapaan at stability o katatagan sa South China Sea sa gitna ng pandemiya.
Sa naganap na Virtual Association of Southeast asian Nations (ASEAN) summit na dinaluhan ng mga Pangulo ng bawat mga bansa via virtual video, sinabi ng punong ehekutibo na hindi dapat masayang ang peace efforts sa rehiyon dahil lamang sa mga kaniya-kaniyang interes ng bawat bansa.
Kasabay nito ay umapela ang Pangulo sa lahat ng mga bansa na protektahan, pangalagaan at ipreserba ang biodiversity at marine environment sa South China Sea.—sa panulat ni Angelica Doctolero