Mahigpit pa rin ang pagtanggi ng Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa posibleng imbestigasyon sa anti-drug war campaign ng gobyerno.
Tinawag ng pangulo na bullshit ang ICC kayat hindi aniya niya ide-depensa o haharapin ang akusasyon sa harap ng “white people” na tinawag niyang loko-loko.
Iginiit pa ng pangulo na hindi binding o walang bisa ang Rome statute dahil hindi naman ito nai publish sa government publication nang i-ratify ito ng Senado.