Muling binuwelthan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ICC o International Criminal Court.
Ito’y sa harap ng inihaing reklamo ni Senator Antonio Trillanes IV at dalawang iba pa kaugnay sa umano’y mga insidente ng patayan sa ilalim ng war on drugs ng Administrasyong Duterte.
Ayon sa Pangulo hindi siya ang dapat pinag-tutuunan ng pansin ng ICC kundi ang maraming massacre na nagaganap sa ibang bahagi ng asya.
Banta pa ni Pangulong Duterte, na hindi siya magdadalawang isip na alisin ang membership ng gobyerno sa ICC kapag hindi naipaliwanag ng malinaw ang isyu sa Extra Judicial Killing.
Posted by: Robert Eugenio