Isa pang mataas na opisyal ng gobyerno ang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inamin ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa 7th anniversary ng public service show na “Buhay OFW” sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay city, kagabi.
Gayunman, gaya ng dati ay hindi pinangalanan ng punong ehekutibo ang sinipang government official.
Magugunitang maka-ilang beses ng sinibak ni Pangulong Duterte ang ilang mataas na opisyal ng pamahalaan simula pa noong isang taon kabilang ang kanyang mga malapit na kaalyado tulad ni Peter Laviña na dating National Irrigation Administration chief.