Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapadala na siya ng mga barko ng militar sa West Philippine Sea kapag nagsimula ang China na kunin ang langis at pakielaman ang pinagkukunan ng mga mineral sa pinag aagawang teritoryo.
Ito’y matapos ang pambabatikos sa pangulo ng mga kritiko nito dahil sa tila umano mahinang paninindigan para ipaglaban ang teritoryo ng bansa laban sa China.
Ayon sa pangulo, dito siya maninindigan laban sa china dahil wala aniya sa kasunduan ang pagkuha ng langis at iba pang mineral.
Kapag kinuha na yung oil, kung anong mga nickel diyan precious stones that would be the time, because that is the time that we should act on it. Kapag nagsimula na sila mag-drill ng oil diyan, sabihin ko talaga sa China is that part of our agreement? Because if that is part of our agreement I’m going also to drill my oil thereIf you own it, I own it.
Ngunit sa ngayon aniya hindi niya pa nakikita ang pangangailangan para harapin ang China ng dahil lamang sa pangingisda at dahil sa hinabol na isang mamamahayag
I’m not so much interested now in fishing, I don’t think theres enough fish really to quarrel about,habulin yung isang reporter, but when we start mine to death whatever it is in the bowls of the China sea sa ating oil, by that time I will send my ships there, hindi yung pahabol-habol lang diyan ano ba namang habulin ang isang reporter ano.