Tinawag na baliw at bully ng CPP o Communist Party of the Philippines ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng banta ng pangulo na ipapabomba ang mga paaralang pinatatakbo ng lumads dahil sa hinalang tinuturuan nila ang mga estudyante na magrebelde laban sa gobyerno.
Sa inilabas na statement ng CPP, tinawag rin nilang pinakamababang uri ng tao ang pangulo.
Tila nalasing na anila sa kapangyarihan ang Pangulong Duterte na ginagamit niya para i-bully ang maliliit at mga api.
Una rito ay tinawag namang sinungaling ni NDFP founding chairman Jose Maria Sison matapos ibunyag ng pangulo sa kanyang sona na may colon cancer ang lider ng mga komonista at tuluyan NA niyang iniaatras ang peace talks.
By Len Aguirre
Pangulong Rodrigo Duterte tinawag na baliw at bully ng CPP was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882