Tinawag na “killer” o mamamatay tao ng isang pahayagan sa United Kingdom si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos malathala sa “The Independent”, isang British newspaper ang larawan nina Pangulong Duterte at US President Donald Trump na nilagyan ng pamagat na “hand in hand with a killer”.
Ang nasabing larawan ay kinunan habang ginagawa ng pinuno ng mga bansang miyembro ng ASEAN ang kinaugaliang pagkakamay.
Hindi maikakailang, si Pangulong Duterte ay binabatikos sa loob at labas ng bansa dahil sa usapin ng EJK o Extra Judicial Killings na naiuugnay sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Habang si Trump ay nababatikos din dahil sa kanyang mga ipinatutupad na polisiya na nagbabanta hindi lamang sa karapatan ng kanyang mga mamamayan kundi maging sa ibang bansa.
SMW: RPE