Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang gawing ligal ang paggamit sa Marijuana bilang gamot.
Iyan ang binigyang diin ng Malakaniyang kasunod na rin ng nakabinbing panukala sa Kamara kaugnay nito.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiwala aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na mahihirapan nang makontrol ang mga nagtatanim ng Marijuana lalo na sa mga nasa matataas na lugar.
Ipinunto pa ni Roque na masisira ang layunin ng Pangulo na labanan ang iligal na droga kung papayagan naman nito ang paggamit sa Marijuana na aniya’y bantad sa mga pang-aabuso.
Mas pagtutuunan na lamang aniya nila ng pansin ang mga programa para sa mga magsasaka sa halip na tutukan ang usapin ng pagsasaligal ng Marijuana sa bansa.