Ipagpapatuloy ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang mga pangunahing polisiya sa family planning at pagtugon sa kahirapan.
Ito ay sa ilalim pa rin ng pamumuno ni Undersecretary Juan Antonio Perez III, na na-reappoint bilang Executive Director sa loob ng anim na taon ng administrasyong Marcos.
Sa pahayag na sinabi ni Perez, pagtutuunan aniya ng pansin ng POPCOM ang stable population growth rate na 1%, single-digit population poverty rate, zero hunger at development ng mga programa para sa taong 2022 hanggang 2028.
Magpapatuloy rin ang pagpapatupad ng reproductive health at family planning programs ng bansa, pagtataguyod ng sekswal at reproductive health maging ang mga karapatan ng mag-asawa, indibidwal at kabataan.