Pinalaya na ang pangunahing suspek sa pagkamatay ng hazing victim at University of Santo Tomas (UST) law freshman na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Dakong tanghali nang makalabas ng Manila Police District (MPD) Headquarters si John Paul Solano, isa sa mga miyembro ng Aegis Juris fraternity.
Ayon kay Atty. Edcel Canlas, isa sa mga abogado ni Solano, na-late sila na makakuha ng kopya ng release order ng DOJ o Department of Justice kaya’t naunsyami ang paglaya sana ng kaniyang kliyente kahapon.
Ipinunto aniya ng DOJ sa release order, na hindi pa itinuturing na suspek si Solano noong naghahanap ang mga pulis ng mga respondent bagkus isa lamang siyang person of interest.
Si Solano ay nahaharap sa mga kasong Murder, violation of Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law, Perjury, Robbery at Obstruction of Justice kasama ang labing-pitong (17) iba pang miyembro ng Aegis Juris.