Hawak na ng mga awtoridad sa Lebanon ang mga suspek sa pagpatay kay Joanna Demafelis, ang Pinay Overseas Worker na natagpuang nakasilid ang labi sa isang freezer sa Kuwait.
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Kuwait Rene Villa ang pagkakaaresto sa Lebanese National na si Nader Essam Assaf sa Lebanon batay sa naging ulat sa kaniya ng labor minister ng Kuwait.
Ikinatuwa naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakabagong development na ito sa kaso ni Joanna na kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan sa Sara, Iloilo.
Nagpasalamat din si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga awtoridad ng Kuwait gayundin ng Lebanon sa ginawang pagtulong ng mga ito sa ikadarakip ng suspek.
Gayunman, patuloy pa rin namang tinutugis ang among babae ni Joanna na isang Syrian National at sinasabing partner umano ni Assaf.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Raoul Esperas