Hawak na ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Batangas si dating Los Baños Councilor Norvin Tamisin.
Si Tamisin ang itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay sa dati nilang Alkalde ng bayan na si Caesar Perez.
Ayon sa Batangas Provincial Police Office, naaresto si Tamisin sa Barangay Bakakeng, Bagui City nuong araw ng Martes, Nobyembre 2.
Kasunod ito ng pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Tamisin ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Baguio at Laguna Police dahil sa kasong murder.
Magugunitang walang patumanggang pinagbabaril hanggang sa mapatay si Mayor Perez nuong Disyembre 3 ng nakalipas na taon sa harap ng mismong Munisipyo ng bayan.
Si Tamisin ang sinasabing mahigpit na kalaban sa pulitika ni Perez na ngayon ay nasa ika-6 na kilabot na kriminal sa buong CALABARZON.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)