Hawak na ng mga awtoridad si Ruben Paglinawan alyas “Ruben Tae”, ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay sa Deputy Chief of Police ng Cainta, Rizal na si Senior Inspector Jimmy Senosin.
Batay sa impormasyong nakarating sa Camp Crame, mag-a-ala singko imedya ng umaga kanina nang maaresto sa Bicutan, Taguig si Paglinawan matapos may magreklamong mga residente na may nagaamok na lalaki sa kanilang lugar.
Nang rumesponde ang mga pulis naglabas pa ng kutsilyo si Paglinawan pero agad ding naaresto.
Nito lamang Biyernes sumuko sa pulisya ang isang kasamahan ni Paglinawan na si Hermogenes Lachica alyas Ekis
Sina Lachica at Paglinawan, ang nakapatay sa ikalawa sa pinkamataas na opisyal ng Cainta Police na si Sr. Insp. Senosin sa isang shootout.
May patong silang tig-isang libong piso mula sa lokal na pamahalaan ng Cainta.