Hindi maipaliwanag ni Derek Ramsay ang aniya’y kkaibang saya niya nang makasama muli ang anak sa Fil-Indian model na dating misis niya.
Halos 10 buwang nawalay si Derek sa 12 niyang anak na si Austin.
Nag bonding ang mag ama sa Dubai kung saan nagbabakasyon si Derek at nag aaral naman ang kaniyang anak.
Ayon kay Derek, hindi niya masabi o mailarawan ang sayang nararamdaman niya sa pakikipag kita sa anak.
Inamin ni Derek na nangungulila siya sa anak dahil wala naman silang komunikasyon kahit nauwi na sa settlement ang kasong concubinage na isinampa laban sa kaniya ng ina ni Austin.
By: Judith Larino