Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa 44M Pilipinong hindi pa nagpapaturok ng booster shot na magpabakuna muli para tuluyang maprotektahan laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, nagiging mahirap nang kumbinsihin ang publiko na magpaturok ng booster shot.
Giit pa nito na ang proteksyon ng booster shot ay para na rin mailayo ang bawat pamilya at buong komunidad sa banta ng virus.
Samanatala, nabtid na sa datos ng doh, nasa 11.7M na Pilipino pa lang ang nakakatanggap ng booster shot. – sa panulat ni Mara Valle