Minaliit ng isang political analyst ang muling pamamayagpag ni Senador Grace Poe sa survey ng Pulse Asia.
Ayon kay Professor Antonio Contreras, isa sa mga petitioner para i-disqualify si Poe, isinagawa ang survey noong mga panahong iisa pa lamang ang kumukuwestyon sa kwalipikasyon ni Poe para tumakbong presidente.
Hindi rin aniya nakasama sa survey ang pagpasok ng napakaraming mga baguhang mga botante.
Ang kapansin-pansin aniya sa huling Pulse Asia Survey ay ang malaking pag-angat ni Senador Miriam Defensor Santiago sa presidential race at Senador Bongbong Marcos sa vice presidential race.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay political analyst Antonio Contreras
Samantala, makikinabang ang sinumang pumapangalawa kay Senador Grace Poe sakaling madeklara itong disqualified pagkatapos ng eleksyon.
Ayon kay Professor Antonio Contreras, isang political analyst, sakaling manalo si Poe subalit nadeklarang disqualified ang pangalawang may pinakamaraming boto ang idedeklarang Pangulo ng bansa.
Gayunman, mas lamang anya na makinabang si Liberal Party Standard bearer Mar Roxas sakaling madeklarang disqualified si Poe bago ang eleksyon sa May 2016.
“Ang ruling ng court kapag ikakansela ang certificate of candidacy mo on the basis na constitutionally hindi ka qualified, hindi lamang ikaw ang na-disqualify pati mga botante mo, so ngayon sinong mag nunumber 2, mukhang sa ngayon ay si VP Binay, sa tingin ko ang gameplan ng LP sana’y ma-disqualify before mag-election para ang ibang boto ni Grace ay mapunta kay Mar.” Pahayag ni Contreras.
By Len Aguirre | Ratsada Balita